Tulong Para sa Kapwa

Tulong Para sa Kapwa

October 06, 2023 ay na-confine at naoperahan ang aking anak sa Loving Mother sa Tarlac City. Ang aming GE na si Maam Lhen Lunasco ay nakaantabay sa aking pangangailangan. Ginabayan niya ako at nagbigay din siya ng kaalaman kung ano ang mga benefits at tulong na maaari ko makuha sa kompanya. Gumawa rin ako ng letter at humingi ng tulong sa mga Kapwa Panday. Hindi naman ako nabigo sa paglapit. Ang aming pamilya ay lubos na nagpapasalamat sa tulong at dasal na ibinigay ng mga Kapwa lalo na sa pamilya ni Boss Jun at Boss Luz. Malaki ang naging tulong nito upang makalabas ng hospital ang aking anak gayun din ang kanyang mabilis na paggaling. October 16, 2023 ay nakauwi na kami ng aking anak sa aming tahanan.
Lumapit at tinanong din ako ng aking tita kung saan ako nakakuha ng pandagdag. Binanggit ko sa kanya na tulong ito mula sa Pandayan. Maganda raw ang ating kompanya dahil hindi nito pinapabayaan ang kanyang empleyado kumpara sa iba. Tumugon naman ako na isa ito sa Kultura ng Pandayan, ang tumulong sa mga nangangailangan, puno ng benipisyo at kaalaman ang bawat isa. Tinituruan din kami kung paano mag-impok. Naging aral sa akin na kailangan natin mag-impok upang sa panahon na kailangan natin nito ay may huhugutin tayo lalo na sa sitwasyon ko na single mom.